Group One TwoADFour's profile

Environmental Portraiture

Bawat obrang aki'y binubuo
ito'y alay ko sayo o Diyos ko.
Sugat man o hinanakit, 
Ako'y walang hinihinging kapalit,
sa pagka't iyong pag-aaruga saki'y sapat na. 
Lahat ng aking dungis alam kong may kapalit
Pagod ay di alintana, ni pahinga'y walang saglit
Balang araw ako din ay makakahigit
Sa salaping, inaasahan ng mga minamahal kong higit
Palad ko'y di alintana ang sakit 
Sa pagukit, kayo'y sakin ay hahanga 
Dagaktak ng pawis, ako'y walang hinagpis 
'Pagkat sa palad ko rin nakasalalay ang kinabukasan ng mga iniirog kong labis
Sa mga likhang tila may malay
 Umaasa ng ikabubuhay 
Ang pamilyang naghihintay 
Sa dala ng pagod na kamay
Sa pagtuktok ko ng kahoy
Mas lumilinaw ang hugis
Sa kamay kong bakas ang dungis
halata sa tagaktak ng aking pawis
Upang mabuo ang obrang aki'y hinahangad ng labis
Bawat obrang aking winawangis, 
Kadiliman, kasukdulan sa aki'y tuluyang lumilihis
Inspirasyon, pamilya at kabutihan laman ng puso kong nais magbihis
Para sa Mukhang may kawangis,
Sakit ng kama'y katiis-tiis
Ang sugat ay gumagaling,
Kalimutan na muna ang daing
Sa pag tagaktak ng pawis
Na may kaakibat pang mga dungis
Ilan ang napapakain
At nadidinig na panalangin
Sa aking pag-ukit, alay ko'y pagmamahal 
Para sa Amang tunay na dinarangal 
Pusong dalisay sa pamilya ang tangi kong dasal 
Nawa'y mapalayo sa walang pusong mga hangal
Sa bawat hugis na binubuo 
May tanging talentong 'di dapat itago 
Pag-ukit ay walang katumbas 
Kung sa puso'y ito ay may basbas


CHAN, CHENG, DAVID, DIAZ, ESPINO, GUERRA, LALICON, SAMPANG, SUEDE
2017
Environmental Portraiture
Published:

Environmental Portraiture

Published:

Creative Fields